Tama lang ba.
Wednesday, March 30, 2011March 30, 2011 around 10:00pm
Tama lang ba. Tama lang ba na magselos ako ng ganun. Bakit ba kasi nagtanong pa ako. Ako kasi yung tipo ng tao na mahilig magtanong pero ako naman si ewan. Syempre lahat satin we expect different things from others. I expected an answer. Yung gusto kong sagot. Sa una hindi ako takot. Nung dumating sa point na halos hinuhulaan ko na kung anu maari niyang sagot. Bigla akong kinabahan. Ewan. Normal naman siguro iyon. Eto na. Bumukas na yung bibig niya para magsalita. Sinabi niya na. . .
. . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . .
I want to act normal. I wanted to pretend that it didn't even get into me. Those Words. . . Those words that supposedly should be just simple words gave a big impact to me that very moment. I wish I was so good in pretending. I wish I could hide all the pain I feel inside that moment. But Sad to say. I didn't.
Hindi ko nakayanang itago. Ayun nanaman ang pagiging emosyunal kong tao. Sinubukan ko talaga pigilin. Sinubukan kong ipakita sa kanya na ok lang ako. Na okay lang yun. Siya naman nakaramdam nun. Hindi ako. Kaya wala din akong karapatan sabihin sa kanya na. WAG. SANA WAG. :/ Nagsasalita siya. may sinasabi siya tungkol dun.. sabi niyaa... bakit daw ba niya sinabi yun sakin.. meron pa siyang sinasabing iba. Hindi ko alam kung nakikinig pa ako. Ang nasa isip ko lang nun..
LUHA? Wag kang tutulo. Wag kang magpapakita sa kanya. Please.Nahihiya akong umiyak sa harap niya dahil dun sa sinabi niya. Hindi ko kaya sa harap niya. Mas masakit: / Natatakot ako sa maari niyang sabihin sakin pag sa harap niya ako umiyak. hindi ko nakayanan. Sabi ko sa kanya sandali lang tapos takbo. sa CR. Ewan. Bakit ba dun. Dun ko lang ata naisip na walang pwedeng sumunod sakin. Ang hirap nga lang magpigil. Kasi maririnig niya ako sa labas. Ang lakas ng echo pag sa CR. Konting ingay lang sa loob rinig na agad sa labas. Gusto ko pa sanang ilabas lahat pero naisip ko baka mahalata lalo. Mahalata sa mata ko. Pag ako pa naman umiyak e. Maga talaga si Mata ko. Kahit napaka babaw ng mga dahilan ng iniiyakan ko. Lagi naman maga si mata. Binasa si mata para hindi masyadong halata. Pinalabas si Pusa. Sinundan niya ako. Hinila. Niyakap. Tinatanong kung okay lang daw ba ako.
WELL. Kilala niya kilos ko pero kilos niya hindi ko ganun ka kilala. ni hindi ko nalaman na may problema pa sila sa bahay. Ang weak ko. -.-' Alam niya agad na hindi ako okay. Tinuloy niya yung sinabi niya. Kaya niya daw sinabi yun kasi nga TAPOS NA. KASI DATI NA YUN. Medyo naging okay ako dun. Kaso. Nandun pa din e. Sabi niya binibigyan niya na ako ng karapatan magselos. E kasi naman. :/ sa kanya. ang dami kong pinagseselosan. sakin wala naman ata siyang kailangan pagselosan. wala akong suitor ni -isa. isa lang ang alam kong nagkkgusto sakin. kilala na niya yun. YUN LANG. WALA NANG IBA. Hindi naman po kasi ako kagandahan. Ako ay Ako lamang. Magulo ang buhok kung magulo. o.o KILALA KO KAYA HALOS LAHAT NG NAGING CRUSH/NILIGAWAN/NAGUSTUHAN NIYA. Yung iba tropa ko pa. -.-' Kaya medyo. minsan naiinsecure ako. Sabi niya nga sa lahat. Ako lang yung friends muna na talaga kami bago niya ligawan. Inisip ko kanina baka kasi isipin niya pag umiyak ako sa harap niya. wala akong karapatan. Kaya binigyan niya na ako ng karapatan. Medyo Ok na ako dun. :) May isa lang naman akong kinakatakutan e. E YUN KUNG MAY MAGBALIK SA KANYA. :/ Sana wala. . . Sana. Ako lang. Ako na SELFISH. o.o


0 comments