Sana bata na lang ako ulit. Yung walang pinoproblema kung hindi yung, Ano kayang niluto ni mama? Ano kaya mga makukuha kong laruan sa Pasko? Ano kayang star ang makukuha ko sa assignment ko? Good? Very Good? o Excellent? Ano kaya ang mga lalaruin namin mamaya sa labas? Piko? Patintero o Tumbang Preso?
Nakakamiss maging bata. Wala kang ibang iisipin kundi ang sarili mo. Hindi naman makasarili ang mga bata pero hindi ka ganun mamumublema sa iba hindi kagaya pag matanda ka na. Kasi pag bata, Wala pang alam. Wala pang muang sa mundo. Wala pang alam na problema. Wala pang pananagutan sa kahit na ano bukod sa mga laruan nilang nakakalat sa sala o sa kwarto nila. Ang sarap maging bata. Laro lang dito. Laro doon. Kain. Nuod Tv. Matulog at Mag-aral mabuti para makakuha ng star kay titser at ipapakita kay Mama o Papa. Hihingi ng premyo dahil may nakuha silang star. Siguro ChickenJoy sa Jollibee, o Stufftoy o kahit isang napaka liit na laruan lang. Masaya na sila. Madali silang pasayahin. Isang napakaliit na bagay lang natutuwa na ang mga bata. Bakit? Kasi wala sila masyadong iniisip. Hindi pa nila naiisip ang tungkol sa buhay. Wala pa silang malay sa bagay-bagay.
Gusto kong maging bata ulit. Sana pwede yun. Sana kung bibigyan ulit nang pagkakataon na bumalik. Babalik ako. Ang hirap pag nasa tamang pagiisip ka na. Ang daming problema, Ang daming iniisip, Ang daming responsibilidad. Pag hindi mo nagawa ang mga dapat mong gawin, Mag-iiba ang tingin sayo ng mga tao sa paligid mo. Magmumukha kang mahina, tamad o kung anu-ano pang masasakit na salita na kaya nilang isipin at sabihin sayo para makapagpababa nang loob mo. Hindi lang yun, Talagang ipapamukha nila sayo na dahil hindi mo nagawa nung una, Hindi mo na siya kayang gawin ng maayos sa susunod. Ganun sila. Ganun ang matatanda. Minsan may words of encouragement pero madalas wala. Gusto baga nila 'One Time, BigTime'. Pag hindi mo nagawa nung una, Mawawalan na sila nang pakialam sa susunod pagsinubok mo ulit.
Iba na pag matanda ka na. Bawat galaw mo, may masasabi ang iba. Bawat bukas mo nang bibig mo, may opinyon o reaksyon sila. Walang freedom. Hindi uso yun pag nasa tamang edad na. Dapat lahat ng kilos, galaw o salitang babanggitin mo, Tama at may patutunguhan. Walang espasyo sa mundong ito ang pagkakamali. Nakakaubos daw ng oras. Professionalism daw tawag dun o sa iba, 'Walang Personalan'.
Ang dami nilang gusto. Dapat ganun, Dapat ganito. Hindi ganyan. Hindi ganito. Sobrang taas ng expectation sayo. Ang higpit sayo pero hindi ka naman tinutulungan para ma-motivate ka. Hindi mo na alam kung saan lulugar. Ang hirap ng buhay. Sadya bang ginawa ito para ganito? O sadyang ginawa ito para ganyan?
Bata man o matanda, Tao lang tayong lahat. Ginawa ng Diyos. May karapatan magkamali. May karapatan masaktan. May karapatan mabuhay. Walang taong perpekto.
Hindi ba dapat nagtutulungan? Hindi nagsasapawan.
