Pagsubok

Sunday, September 09, 2012

Ito na ata ang unang pinakamalaking pagsubok na binigay ni Lord para sa relasyon namin. Inaamin ko sobra akong nasaktan. Ang dami-dami ko nang naisip. Lagi bang ganun. Pagkatapos ng saya talagang may kapalit. Halong inis, lungkot, depresyon ang nararamdaman ko dahil isang araw pa lang ang nakakaraan mula nung nagsurprise ako sa kanya tapos biglang ganito. Oo alam ko, okay dahil sa kanya ko narinig kaysa sa iba ko pa malaman, mabuti nga na inamin niya sakin pero bakit ganun sa kahit anong angulo ko tignan alam ko na may karapatan akong magalit, may karapatan akong magtampo, may karapatan akong magtanong at magreklamo kung bakit ganun ang ginawa niya. Ginawa niya yun dahil daw alam niyang maiintindihan ko pero hindi ko alam kung bakit alam ko na napakamaintindihin ko sa lahat ng bagay lalo na sa kanya pero bakit sa pagkakataon na yun ang hirap sobrang ipasok at ipaintindi sakin na walang malisya, na walang mali sa nagawa niya.


. . .
Hindi ko kinaya. Sobrang sakit. Lagi ko naaalala. Sabi ko sa kanya okay lang. Okay na ako pero sa totoo hindi pa lalo na hindi ko kilala yung babae. Ang hirap. Kung anu-ano naiisip ko. Sa laki ng tiwala ko kay M alam ko hindi niya magagawang iwan ako. Hindi siya gagawa ng ikakasakit ng feelings ko pero dahil sa pangyayari din iyon naalala ko nanaman yung nakaraan. Ang sakit. Pinalagpas ko din yung pangyayari na yun. Yung picture na yun na hanggang ngayon hindi ko makalimutan. Paliwanag niya? Nandun pa din daw kasi yung pinagsamahan, ipakita na hindi siya bitter, ipakita na hindi siya kj. Pakikisama lang. Tropa e. Anong laban ko sa tropa? Anong laban ko sa taong sobrang baet sa ibang tao? Anong laban ko sa matagal nang samahan? Anong laban ko sa sarili niyang desisyon at sa sarili niyang gusto? Wala naman po. 


Halos 2 linggo akong hindi makatulog ng maayos. Laging basa si unan. Lagi akong mukhang bangag, tulala, gusto ko magusap kami. Mag-usap kami tungkol sa mga bagay bagay. Gusto ko sa personal. Gusto ko malaman niya na nasaktan ako, na sobra akong nasaktan. Gusto ko siyang tanungin kung naisip niya ba naman muna ako bago niya ginawa yun. Alam ko, girlfriend lang ako, pero diba parte na din ako ng buhay niya, naisip ko lang sana naisip niya din ako.

Kung kani-kanino na ako nagtanong tungkol sa problema ko. Humingi na ako ng points of view ng mga lalaki pero halos sabi nila, tama ako, may karapatan akong magreact ng ganito dahil girlfriend ako. Minsan naisip ko nagsisisi kaya siya na niligawan niya ko.. Nagsisisi kaya siya na ako ang naging girlfriend niya.. Pero kahit balikbaliktarin din ang mundo. Siya nagsabi sakin. Inamin niya. Hindi niya tinago. Hindi siya nagsinungaling. AT MAY TIWALA AKO SA KANYA. Alam ko na gagawin namin ang lahat para mapagtibay at maging maayos at masaya ang relasyon namin.

Sa mga panahon na ginagawa ko itong blogpost na ito. Sobrang depress lang ako. Ang hirap eh. Nasaktan ako at sorry kung ganito ako. Alam ko hindi ako perfect. Hindi ako kasing tibay ng iba kaya pagpasensyahan niyo na po ako.

Edit:
Okay na po kami ni M. Nag-usap kami. Alam niya naman kung gaano ko siya kamahal. Walang gigiba ng relasyon namin. Ang bumangga - GIBA! =)) 

You Might Also Like

0 comments