Okay lang ako.
Thursday, May 19, 2011Okay lang ako. Madalas nating sinasabi yan pag nasasaktan tayo, nasusugatan, napapahiya o kung ano pa mang masamang nangyari satin. Parang pag nadapa ka at tinanong nila, okay ka lang? Syempre ano pa ba ang isasagot mo? Okay lang ako. Pero masakit diba? Iba’t iba ang ibig sabihin ng salitang ito. Madalang na talaga natin gamitin ito pag masaya talaga tayo. Pag sinabi kong okay lang ako sa tingin mo anong ibig sabihin nun?“Okay lang ako”
- Nasasaktan ako.
- Naiinis ako sa’yo
- May problema ako.
- Wag mo na ko intindihin.
- Mukha ba kong okay?
- Ayoko na.
- Tama na please?
Sa simpleng okay lang ako, maraming ibig sabihin. Maraming nakatagong hinanakit at damdamin. Kaya ikaw, maniniwala ka ba kung sinabi ko sayong okay lang ako?


0 comments