Happy Birthday to my one & only.♥ sinurprise ko ulit siya. Ilang buwan ko din pinagplanuhan kung paano, saan, anong ireregalo ko sa kanya. Kung anu-ano ba dapat ang gagawin ko sa araw na yun. Naging super busy din hindi kagaya last year kaya medyo nahirapan ako magadjust para sa preparations ko. Nahingi ko sa kanya numbers ng mga kadorm niya at sila ang hiningan ko ng tulong. September 7, 2012. First day ng 2nd semester. Friday. Saktong wala pa akong klase nun. Kabado ako. Bumili na ako ng Balloons, hindi pwedeng pahanginan dahil magcocommute ako. Hindi ko pa alam talaga kung saan yung dorm niya. First time kong pupunta. Kabadong kabado ako.
✓ Balloons
✓ Birthday Gift + Love Letter
✓ Donuts (my kind of alternative for his birthday cake)
Kinailangan ko sa Tayuman bumaba dahil bibili pa ako ng Donuts at papalobohin ko pa yung mga balloons. Tapos na ko bumili sa SM San Lazaro nang biglang bumuhos yung ulan. Hindi ko na alam ang gagawin ko. Hindi ako pwedeng lumabas dahil puputok yung mga lobo. 4pm na. Naisip ko na magtaxi. May pera pa naman ako, kasya naman ata ito pero hinintay ko pa din. Nagtrycyle ako papuntang dapitan at hinintay yung kadorm niya. Naghintay sa lobby ng dorm nila. Pinabigay sa kadorm niya yung Balloons, Donuts at yung gift. Matagal pa. 2 oras pa akong maghihintay. Kabado pa din ako kahit alam ko safe na ako dun. Naghanap ng makakasama. Choi to the rescue. Hahaha. Sinamahan niya ko. Kumain siya sa Mcdo. Sa kaba ko ayaw ko kumain, feeling ko busog na ako at yung feeling na natatae ako sa kaba. Pumusok kami sa UST. Mas kinabahan ako. AYOKO NA MASITA NG GUARD. Muntikan na buti na lang sumabit yung paa ko sa isang scotch tape na kung ewan lang. Hahaha. Tumambay kung saan tapos hinintay yung text ni Michael.






