Wrong Timing.

Saturday, August 11, 2012

081112. Selfish. Ang selfish ko. Yun yung naisip ko. Gabi kasi nun. May problema ako. Malaking problema. Kinakabahan ako. Natatakot sa pwedeng mangyari. Sa totoo lang, Problema namin yun pero gusto ko ako lang namumublema dun. Ayokong iniisip niya din yun. Praning lang din ako. Hindi maalis sa isip ko e.  ayoko kasi mag-isa. Tinawagan ko siya. Naisip ko para sana hindi ako mapaiyak o hindi ko maisip yun dahil kausap ko naman siya. Nagusap kami saglit tapos sabi niya kakaen lang daw siya. Hinintay ko siya kasi gusto kong makatulog ng hindi umiiyak. Gusto kong hindi bakante yung utak ko kasi maiisip ko din yun. Hinintay ko siya matapos kumain. Nagusap kami saglit tapos yun. Pinapatulog na niya ko. Sinabi ko na kahit hindi naman siya magsalita okay lang e. Basta wag niya ko iwan magisa. Sabi niya may gagawin pa daw siya.. Mauna na daw ako.. Iba na din yung tono niya. Hindi na ako nakapagsalita. Hindi na ako namilit. Sabi ko nalang din na sige. Matutulog na ko. Binaba ko na yung tawag.
Inaamin ko. Mas lalong lumala yung naramdaman ko. Mas lalong bumigat. Mas lalo akong nalungkot. Mas lalo kong naramdaman na mag-isa lang talaga ako. Mas lalo kong naramdaman yung takot. At yun na nga. Hindi ko na
napigilan. Pumatak Bumuhos na yung mga luha ko. Yung ngayon ko lang ulit naramdaman yun. Yung ang sakit sakit at bigat bigat sa pakiramdam. Na ngayon wala na talaga akong malapitan o makausap. Wala nang magsasabi sakin habang umiiyak ako na magiging okay din ang lahat kundi ang sarili ko na lang.


Kinabukasan. Sobrang maga si mata. Kahit sana hindi mapansin nila mama. Wala ako magawa. Mapansin na nila pero alam ko naman na hindi sila magtatanong. Ganun naman dun. Except si Ate kym. Tahimik lang ako buong araw. Tulala. Nag-iisip na alam ko mali din ako. Wala naman dapat isisi sa kanya. Ako mismo kasi ang problema. Ako ang problema. Wrong timing ako. Hindi ko man lang naisip yun na kailangan niyang tapusin yun. Kailangan niyang mag-aral. Priority namin yun pero iba pa din inisip ko. Siguro dahil sobrang KAILANGANG KAILANGAN ko lang siya nun tapos feeling ko nabalewala lang ako kahit hindi naman. 

Nagkabati din kami nung gabi. Tumawag ako sa kanya. Hindi ko masabi yung totoong dahilan kung bakit. Hindi ko masabi sa kanya ng diretso na kailangan ko kasi siya para mapatatag din yung loob ko sa problema kong yun. Hindi ko masabi sa kanya ng diretso. Natatakot ako na baka.. madisappoint ako sa sagot niya. Natatakot ako na baka kung ano isipin niya. Natatakot akong magalit siya sakin. Ayoko ng ganun.

Tumatak sa isip ko..
"Sorry. Sorry po. Sorry na ye. Please. Namimiss na kita."
Yung sinabi niya yun. napaiyak ako. Napaiyak ako kasi naramdaman ko na ako yung may kasalanan. Na ako talaga yung mali. Na dapat hindi siya nagsosorry. Na dapat okay kami pero dahil sakin. Nangyari pa yun. Nagkabati din kami. Nagsorry din ako. Sobra ko siyang mahal. Sobra sobra.

To conclude: Hindi kami nag-away. Maarte lang ako. Period. >:) 

You Might Also Like

0 comments