We'll solve every problem together.

Saturday, July 28, 2012


072812. Semi-Fight/Tampuhan. Tagalog. Magtatagalog ako para mas maexpress ko yung sarili ko. Sabado yun. Morning class ko : SysAnal. Afternoon class ko: NSTP Tinawagan ko si Michael ng mga 1pm ata yun. Patapos na daw sila. Tinatanong niya ko kung sabay daw ba kami kaso sabi ko hindi pa kami tapos, sabi niya okay lang. hintayin niya daw ako. Basta sabay kami. sabi ko text ko na lang siya pag patapos na kami at mag-ingat siya at kumain na siya ng lunch. Natapos NSTP. Tumawag ako sa kanya pag sakay namin sa Jeep papuntang Guadalupe. Pag dating namin sa MRT, medyo nagtagal kami konti dahil bumili si Gelo ng bagong relos. Medyo nagmamadali na ako dahil iniisip ko baka nandun na si Michael. Nauna na kami ni Maeryl at Gnel, Nagkahiwalay pa kasi kami nila Apryl. Sabi ko kay Gelo kung okay lang na mauna na kami. Sabi ko kasi hinihintay na ako ni Michael kaya pinilit ko na din sila Gnel na mauna na kami. Nakasakay na kami sa MRT. Tinawagan ko siya. Quiapo pa lang daw siya. Nagmamadali ako akala ko nandun na siya pero okay lang sige baka magkasabay din naman. Taft Avenue Station na. Kakasakay pa lang niya sa LRT. Mga 15 minutes daw. Sa Mcdo na lang daw ako maghintay para safe na din. Pagbili ko ng Cheeseburger. Umupo. Naghintay. May naki-upo na sakin na babae. Nakaalis na din siya at hinihintay ko pa din si Michael.  Pagdating niya nagpalit ng damit, humingi ng ketsup at pumunta na kami sa terminal.

Silent Treatment. Sa totoo lang. medyo
masakit lalamunan ko. Paos ako. Hindi naman talaga yun Silent Treatment as in galit or tampo ako. Silent Treatment dahil sa lalamunan ko pero nung malapit na kami sa unahan nang pila. Sabi niya ilang oras lang siya nakatulog. Dun nagsimula yung pagtatampo ko. Sabi niya kasi itetext niya ako. Hopia ako. Hindi naman talaga ako dapat aasa na magtetext siya sakin pag nasa bahay na siya pero siya kasi nagsabi kaya parang umasa talaga ako. Hindi man lang din siya nag PM. Naghintay kasi ako. Parang tuloy wala lang sa kanya na naghihintay ako nun. Sabi niya kasi ako na lang daw tumawag. Sabi ko sa kanya, tatawag naman ako eh. Kaso naisip ko nagsabi siya na magtetext naman daw siya kaya nga umasa ako. Bigla kong nasabi. " Ako nanaman mag-eeffort?" Hindi ko alam kung nasaktan ko siya. pero nasaktan ako sa sinabi ko. I mean, Ako mismo nasaktan sa nasabi ko sa kanya. Gusto kong bawiin. Hindi ko dapat sinabi yun. Mali yun.

Michael, Sorry. Sorry sa Silent Treatment ko sayo. Minsan po ganun talaga ako kung alam mo po. Mas gugustuhin kong tumahimik nalang. Baka kasi makapagsabi ako ng masasakit /makakasakit na mga salita. Lalo na sayo. Ayoko nun. Kagaya nga nun. Yung sinabi ko tungkol dun sa ako nanaman mageeffort. Sorry. Hindi ka man nasaktan dun sabi mo pero alam ko mali ako at sorry po. Sorry talaga. Minsan may nasasabi lang tayo dala ng emosyon. Sorry talaga. Sorry din kasi sabi mo na dapat sanay na ako. Dapat sanay na akong hindi ka matext na tao. Sorry. Sorry talaga. Sorry Michael. Sana po mapatawad mo ako. Sorry talaga.
Yung semi-away namin. Nabawi naman niya dahil pumunta siya samin kasi alam niya hindi pa kami okay talaga. Yung sinabi niyang ako daw magplano ng birthday niya. Hihihi :3 ang sweet naman. hahaha kinikilig ako. kaso hindi ko naman kung paano niya gustong icelebrate yung birthday niya sabi niya lang basta madaming pagkain okay na. :) Tapos yung pinaka nakakakilig sa lahat.. Yung gusto niya daw yung magkatabi kami matulog. As in magkatabi lang matulog. Sweet. Walang masama. Masaya lang sa piling ng isa't isa. Yung pag gising sa umaga siya ang makikita mo. Yung ganung feeling. Okay na din kami. Masaya. Yung tipong at the end of the day nagaaway kami na naglalambingan. Hahaha :3 Pero medyo naguilty ako kasi gabi nanaman siya nakauwi sa kanila. Pagod yun alam ko. Kaya sobra ko siyang mahal. As in Sobra Sobra. 

I love you Michael Deen. 

To conclude: Mas okay pag napaguusapan ng maayos ang mga hindi pagkakaunawaan. :)

You Might Also Like

0 comments